Ramblings, opinions and discoveries of one Juan dela Cruz in his quest to be a better Filipino

Kabataan Party List, nagsunog at nagkalat sa sarili nilang bakod sa PUP!

Habang may mga matitinong grupo ng Kabataan na naglalaganap ng kabutihan sa kapwa nila kabataan, tulad nalang ng nauna kong post na Drug Prevention Convention na isinagawa ng Aagapay at Bread Youth Society, nandiyan parin ang ibang grupo ng Kabataan na karahasan naman ang itinuturo sa kapwa nila kabataan. What I am referring to is the Kabataan Party List. Noong March 23, 2010, hindi lang nag walk-out sa mga klase nila sa Polytechnic University of the Philippines (PUP) ang mga miyembro ng Kabataan Party List, naghakot pa ng desks at sinunog, as seen in the video! Pati gates ginawa pang canvass ng kalokohan nila. The gates were detached and the glass entrance were broken.

Grabe they dignified their violent acts pa at pinost pa sa youtube! Nakakahiya, especially sa mga magulang nila na nagkakanda-ugaga para paaralin sila. Yes, they may have a legitimate issue to conduct a protest, which is the increase of tuition fee. But resort to violence? Ano na ngayon, hindi pa nga sila graduate eh may criminal charges na against them? Nakakahiya kung ako ang estudyante, at pagsasabihan ako ng CHED Secretary na si Emmanuel Angeles na "they acted like uneducated people when in fact they are in a university." Kaya nga nasa unibersidad sila para maging edukado, makipag diskusyon in a diplomatic way, but they acted like barbarians. Ganyan ba talaga ang mga taga PUP? Well, I am sorry kung na stereo-type ang mga taga PUP. Yann po ang tingin ng mga "educated people" sa unibersidad nyo ngayon. Sinira ng mga mismong youth leaders nyo.

ANO NAMAN ANG ACTION NG COMELEC? We all knew na tumatakbo sa party list election natin ang Kabataan. Dapat i-disqualify ang grupong ito! Hindi tama na may mga barbarians, terorista at mga mabababang-uri ng mga kabataan ang iupo sa kongreso at irepresenta ang mga kabataan. Maraming matitinong grupo ng kabataan ngayon. Tinatawagan naming mga kabataan ang Comelec na gumawa ng agarang action for the cancellation ng Kabataan party list sa election. Nasa batas po yan! Ayon sa Comelec Resolution 3307-A section 11, ano mang grupo na tumatangkilik ng karahasan ay dapat agarang ikansela ang kanilang rehistrasyon. What's more violent than this?!

See more videos of this sa youtube. Nakaka awa at the same time nakaka inis ang mga batang ito. Himbis pinag aral upang makatulong sa bansa, hindi pa nga graduate, sinisira na ang bansa! Sinisira nyo ang hanay nating mga kabataan! Bastos at walang modo!

Sino nga ang mga endorsers ng Kabataan Party list? Ah... sina Angel Locsi at Dennis Trillo. I wonder what will be their comment to this.

No comments:

Post a Comment